Bagong bahay nina Juday at Ryan sa US murang-mura lang | Bandera

Bagong bahay nina Juday at Ryan sa US murang-mura lang

Reggee Bonoan |September 01,2016
facebook
share this

Bagong bahay nina Juday at Ryan sa US murang-mura lang

Reggee Bonoan - September 01, 2016 - 12:20 AM

ryan agoncillo

KASALUKUYANG nasa Las Vegas, Nevada USA ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para bisitahin ang nabili nilang bahay roon.

Base sa lumabas na video sa YouTube, ipinakitang binuhat ni Ryan ang asawang si Juday at sinabing, “This is your new home.!” Ang kuwento ng aming source ay dalawang taon na palang nabili ito ng mag-asawa sa murang halaga lang kaya kinagat na nila.

“Sa tuwing pupunta kasi sila ng States, lagi silang nakikitira sa mga kaibigan o kamag-anak o kaya sa hotel, at aminin natin, ang mahal ng hotel sa US at nakakahiya naman kung lagi ka na lang makikitira, lalo na kung dala mo ang mga anak mo.

“E, mahal ang mga bahay sa LA (Los Angeles), mahal ang taxes sa Californina, same sa San Francisco. E, biglang may nag-offer na mura lang itong bahay sa Las Vegas, talagang mura as in, so kinagat na nina Ryan at Juday kaya hayan nabili na,” sabi ng aming source.

Oo nga, mas mura ang mga bahay sa Las Vegas at mura rin ang tax kaya marami rin kaming kakilala na nagbilihan doon ng bahay. At base rin sa ipinakitang video ng bahay ay malaki ito at may bakuran, hindi pa lang naayos kasi nga ngayon palang ito nakita nina Ryan at Juday.

Tinanong namin ang aming source kung sino ang magbabantay sa bahay dahil dito naman sa Pilipinas naka-base ang mag-asawa. “May nakausap na silang caretaker doon, baka Pinoy din. Hindi ko pa masyadong nakukuha ang detalye,” sagot sa amin.

Wala ring sinabi kung ilang square meters ang bahay ang sabi lang ay 50% hati sina Ryan at Juday sa pagbili ng nasabing property. At kapag totally ayos na ay isasama nang mag-asawa ang kanilang mga anak sa bago nilang bahay para makita ng mga bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending