Upset win itinala ng JRU Heavy Bombers, San Sebastian Stags | Bandera

Upset win itinala ng JRU Heavy Bombers, San Sebastian Stags

Angelito Oredo |August 27,2016
facebook
share this

Upset win itinala ng JRU Heavy Bombers, San Sebastian Stags

Angelito Oredo - August 27, 2016 - 12:00 PM

SINANDIGAN ng Jose Rizal University Heavy Bombers si Teytey Teodoro sa ikaapat na yugto upang biguin ang Lyceum of the Philippines University Pirates, 68-58, para makisalo sa ikaapat na puwesto kasama ang Mapua Cardinals sa 92nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena, San Juan City.

Sariwa pa sa 22-puntos na paglalaro para sa 65-60 panalo kontra Mapua sa huling laro, naghulog si Teodoro ng 10 sa kanyang game-high 21 puntos sa huling yugto upang itulak ang Heavy Bombers sa ikaapat na sunod nitong panalo at ikapito sa pangkalahatan kontra limang kabiguan.

Sinaluhan din nila ang Cardinals sa ikaapat na silya.

Nahulog naman ang Pirates sa 5-7 karta.

Samantala, naungusan ng San Sebastian College Stags sa krusyal na yugto ang Mapua tungo sa pagtatala ng matinding 69-67 panalo upang buhayin ang tsansa nito sa Final Four.

Umahon ang Stags mula sa paghahabol sa pinakamalaking 18 puntos sa kaagahan ng ikalawang yugto at sa five-point deficit sa huling dalawang minuto upang agawin ang panalo na ikatlong sunod at ikaapat sa kalahatan kontra sa siyam na kabiguan na nagpanatili sa tsansa nito sa Final Four.

Huli naman itinala ng San Sebastian ang dalawa pa nitong upset na panalo kontra sa University of Perpetual Help (9-3) at San Beda College (10-2), upang manatili sa labanan para sa magic four kasama ang Mapua, na nahulog sa  7-5 (win-loss).

“We’re now starting to learn to win and I’m happy for the team,” sabi lamang ni San Sebastian coach Egay Macaraya.

Nagtala si Ryan Costelo ng game-high 20 puntos habang ipinamalas muli ni Michael Calisaan ang dating husay matapos ang magkaroon ng injury mula sa isang motorcycle accident sa pag-ambag ng 15 puntos at 12 rebounds.

Agad na dinomina ng Cardinals ang laro sa 25-8 abante sa unang yugto bago itinala sa 38-27 bentahe sa ikalawa bago na lamang kinapos sa ikaapat na yugto.

Sa ikatlong laro, tinambakan ng San Beda Red Lions ang Letran Knights, 83-71, para muling masolo ang top spot sa 11-2 karta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending