Niligawan nang bonggang-bongga, pinatigil sa pagtatrabaho
Matapos ma-link sa isang basketball player ay isang dancer naman daw ang kinahuhumalingan ngayon ni Vice Ganda.
Nagkakilala ang dalawa nang makasama ni Vice sa isang dance number ang isang grupo na kinabibilangan ng poging dancer.
Ayun, na-develop daw sila habang sila’y nagre-rehearse hanggang sa ligawan daw ni Vice ang guwapong dancer.
Palagi niya raw kasama ang dancer na ito kahit saan siya magpunta.
And to make the relationship formal ay ni-request na raw ni Vice na tumigil na ang dyowa niya sa pagsasayaw dahil kaya naman niya itong buhayin.
Ang bagets dancer naman ay nag-isip nang maraming beses.
In the end, bumigay na rin daw ito sa request ni Vice.
Kung totoo man ito, kaya pala may chismis na kumakalat ngayon na hiwalay na si Vice sa basketball player niyang boyfriend.
Ang dagdag pa ngang chika ay binabawi pa nga ni Vice ang kotseng iniregalo niya rito. True ba ito, Vice?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.