Barbie: Hindi ko binabastos si Ms.Kris kaya walang dapat ikatakot! | Bandera

Barbie: Hindi ko binabastos si Ms.Kris kaya walang dapat ikatakot!

Jun Nardo |August 27,2016
facebook
share this

Barbie: Hindi ko binabastos si Ms.Kris kaya walang dapat ikatakot!

Jun Nardo - August 27, 2016 - 12:05 AM

barbie forteza at kris aquino

BUHAY muli ang tambalang Barbie Forteza at Andre Paras sa telebisyon but this time, hindi na drama ang gagawin nila – isasabak naman silang dalawa sa comedy.

Isa si Andre sa bagong dagdag sa Sunday PinaSaya na ipinakilala sa first birthday/anniversary launch nito last Wednesday. Matatatandaan na nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa matapos maba-litang in-unfollow ni Andre si Barbie sa Twitter. Ayon sa anak ni Benjie Paras, tapos na ito at pinalow na niya uli sa Twitter ang ka-loveteam.

Bukod kay Andre, ang bagong dagdag na stars sa SPS ay sina Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Lovely Abella, ang That’s My Bae finalist na si Kim Last at komedyanteng si Atak.

Ayon kay Marian Rivera na isa sa unang regulars ng GMA Sunday comedy variety show, two parts ang anniversary presentation nila, sa Sept. 4 and 11. Pina-finalize pa raw ang venue pero ilan sa confirmed guests ay si Maine Mendoza at ang Aegis. “Lilibot po kami sa buong Pilipinas. Isang malaking sorpresa ‘yan kung paano namin gagawin,” sabi ni Yan Yan.

Komo nga malakas ang tsismis na ang bagong manager ngayon ni Kris Aquino, ang tatay ng grupo na si Tony Tuviera, natanong ang isa pang host ng show na si Ai Ai delas Alas kung handa siyang harapin si Kris kapag nag-guest ito sa anniversary ng SPS?

“May mga tanong na walang kasagutan,” tugon ni Ai Ai at saka naglitanya ng mga examples ng tanong na walang sagot. “So ganyan din ang sagot ko. I refused to answer the question!” very beauty queen na sagot ng Comedy Queen na umani ng palakpak.

Ayon sa ibang regulars ng show, inabot ng isang taon ang SPS dahil na rin sa teamwork nila at dahil ini-enjoy lang nila ang kanilang ginagawa sa show.

q q q

Tinatawanan lang ni Barbie Forteza ang lumulutang na isyu na may problema sila ni Andre Paras. “Wala! Well, that’s your job! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Barbie sa one on one interview sa kanya after ng press launch anniversary ng Sunday PinaSaya.

Buhay pa naman daw ang loveteam nila, “Kung anuman ang reason ni Andre, personal right niya ‘yon. In person, okay naman kaming dalawa,” sabi ng Teen Queen ng Kapuso Network. Hindi ba sila nagpaplastikan lang? “Hindi naman. Alam ninyo naman kung nakikipagplastikan ako o hindi. Hindi naman ako ma-talkies kung ayoko talaga.

“Pero si Andre, hangga’t puwede, gusto niyang maging private talaga ang personal life niya,” rason niya.
Bakit nga ba hindi naging sila kaya hayun, naunahan tuloy ni Kiko Estrada si Andre? “Sabe? Karera ito? Ha! Ha! Ha! Hindi naman kasi obligado pag magka-loveteam. Siguro pag nagkadebelopan.

“Hindi ko alam kung may something wrong. Kumbaga, hindi lang kami naobliga na i-try simply because loveteam. Parang ganoon,” sagot ni Barbie. Hindi naman daw siya pinagbabawalan ng GMA, “Ang trabaho ko kasi is with Andre kaya medyo off naman kung ang pinag-uusapan ko ay laban sa kanya. Ganern!” katwiran ng Teen Queen.

Teka, ano ang feeling niya’t nadiskubre ang pagiging komedyante niya sa Sunday PinaSaya? “Oo nga eh. Pero hindi. Pilya naman talaga ako as a person. Masaya lang ako kasi ngayon, napapagkakitaan ko na rin siya! Ha! Ha! Ha! Kumbaga, hindi lang siya personality ko. Napapa-kinabangan ko na siya in a good way!” diin ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang impersonation ni Barbie kay Kris Aquino ay isa sa patok na patok na characters sa segment na Star Buzz ng SPS. “Tinray lang namin ‘yon. Hindi pa nga namin inu-emphasize na masyadong ganoon. Parang kailangan lang for the skit. Kaya ako pinag-impersonate,” sabi niya.

Kung sakaling mag-guest si Kris sa anniversary episode ng SPS, ang magpasalamat daw ang una niyang gaga-win. “As her impersonator, hindi ko naman siya bi-nabastos! So I don’t think kailangan kong matakot if ever na maging guest siya dahil wala akong ginagawang masama!” diin ni Barbie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending