Alden nag-diet para sa Encantadia: Bawal mataba pag naka-costume! | Bandera

Alden nag-diet para sa Encantadia: Bawal mataba pag naka-costume!

Ervin Santiago |August 26,2016
facebook
share this

Alden nag-diet para sa Encantadia: Bawal mataba pag naka-costume!

Ervin Santiago - August 26, 2016 - 12:35 AM

alden richards

MALAPIT nang mapanood ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa fantaserye ng GMA 7 na Encantadia. Nagsimula nang mag-taping ang Kapuso heartthrob a few days ago.

Gaganap si Alden bilang si Lakan na mula sa angkan ng mga Mulawin – special guest lang ang aktor sa Encantadia kaya hindi pa niya alam kung ilang linggo siyang tatagal sa serye. Ngayon pa lang ay excited na ang binata sa guesting niya sa Encantadia, “Kinalakihan ko po kasi siya, ‘yan po ang show na pinapanood namin kasama ang nanay ko.

Maka-GMA po ang nanay ko at mahilig siya sa soap opera talaga. “Sabi ko noon, dream ko po na sana makasali sa soap, sa teleseryeng yun, parang nabigyan ako ng chance. Tapos nu’ng sinabi ni Direk Mark Reyes na I’ll be guesting, sobrang excited po ako and I can’t wait to start,” pahayag ni Alden sa isang panayam.

At bilang paghahanda sa kanyang Mulawin karakter, talaga raw nagpapayat pa siya dahil kailangang fit na fit siya para sa kanyang costume, “Siyempre diet din. Yung costume, bawal ang mataba,” natatawang chika pa ng binata.

Samantala, hinihintay na lang nina Alden at Maine Mendoza ang go signal ng management para sa pagsisimula ng kanilang sariling teleserye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending