Michael: Pasensiya na po, siguro baliw na ako dahil sa anak ko! | Bandera

Michael: Pasensiya na po, siguro baliw na ako dahil sa anak ko!

Reggee Bonoan |August 26,2016
facebook
share this

Michael: Pasensiya na po, siguro baliw na ako dahil sa anak ko!

Reggee Bonoan - August 26, 2016 - 12:32 AM

michael pangilinan

NALUNGKOT kami para kay Michael Pangilinan dahil sa kabila pala ng pagiging masayahin niya sa harap ng entertainment press ay may malaki pala siyang problema tungkol sa kanyang anak. Ayon kay Michael, tatlong buwan na niyang hindi nakikita ang anak niyang si Ezequiel dahil ayaw daw itong ipakita ng dati niyang karelasyon.

Kuwento ni Michael idinaan na niya ito sa legal na paraan para maibigay ang kanyang karapatan sa bata. Dagdag pa ng singer hindi raw siya lumiban sa buwan-buwang sustento sa anak niya. Kuwento pa ng mang-aawit, “Birthday ng mama ko po noong June 23, ang wish niya, sana raw makadalaw o mahiram niya ‘yung apo niya.

Siyempre, tinext ko po (ex-girlfriend), nagpadala rin ako ng message sa viber, SMS, ni-ring ko pa, pina-send ko pa po sa stylist ko, pero walang reply, wala lahat. “Nagmakaawa na po ako na kung puwede kong hiramin ang bata, nag-text ako na, ‘for a day lang at kung hindi ko maisoli kinabukasan, ipakulong n’yo ako.’

Gusto ko lang namang magkaroon ng two to three days para makasama ang anak ko, kahit nga isang beses na lang sa isang linggo, payag na ako,” malungkot na kuwento ni Michael. “Pasensiya na po kayo kung umabot tayo sa ganito (legal). Siguro baliw na lang po ako dahil sa anak ko,” paliwanag pa ng binatang ama.

Samantala, nakita naming nagbibiruan si Michael at ang isa sa Birit Queens ng ASAP na si Morissette Amon pagkatapos ng presscon ng “Powerhouse” (Pinoy World-Class Performers) concert na mapapanood sa The Theatre, Solaire Resort And Casino sa Okt. 28, produced by Lucky 7 Koi Productions, Inc. na binubuo nina Lily Chua, Joan Alarilla, Atty. Carmelita Lozada, Carol Galope, Rosalinda Ong, Neth Mostoles at Liza Licup.

Board of directors naman sina Divine Arellano at Emy Domingo. Niloko namin si Michael na, “Uy Michael, kung hindi lang alam ng tao na girlfriend mo si Gabrielle (Concepcion) ay puwedeng maging kayo ni Morissette.” Biglang nagtawanan ang dalawa.

“Actually tita Reggee, matagal na kaming tinutuksong dalawa, noon pa after ng The Voice niya at ako naman sa X-Factor, may tawag nga sa amin (nag-isip) parang SetKiel. Pero hindi, wala talaga, kasi magkapatid ang turingan namin.

“Hindi ko nakikita na maging girlfriend siya, hindi ko siya nakitaan ng malisya. Ha-hahaha!” natatawang kuwento sa amin. At hirit naman ni Morissette, “Busy po kasi kami sa work kaya hindi namin napag-usapan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending