Transport group leader laging may baong kikay kit | Bandera

Transport group leader laging may baong kikay kit

Den Macaranas |August 26,2016
facebook
share this

Transport group leader laging may baong kikay kit

Den Macaranas - August 26, 2016 - 12:10 AM

SINO ang magsasabing walang pakiaalam sa kanilang “looks” ang ilang mga kalalakihan lalo na kung sila ay nagkaka-edad na?

Ibahin ninyo itong isang lider ng transport group na hanggang ngayon ay regular na bumibisita sa kanyang “derma”.

Ayon sa aking Cricket na driver ng isang pampublikong sasakyan, mayroon daw kakaibang bisyo ang lider ng kanilang grupo.

Mula sa kutis ng kanyang mukha hanggang sa kanyang kilay ay hindi raw siya nagpapabaya sa kanyang imahe sa publiko.

Bukod sa regular na pagbisita sa dermatologist ay kumpleto rin ang laman ng kanyang kikay kit.

Si Sir ay laging may dalang skin toner, facial cleanser, cotton balls and moisturizers.

Kapag may pagkakataon ay lagi siyang sumisimple sa CR para i-check kung may mali sa kanyang itsura.
Kung sa mga babae, kailangan niyang mag-retouch.

Dati nang marami ang nakakapansin sa pagiging banidoso ng transport leader na ito na araw araw ay kasalamuha ng mga jeepney at UV Express drivers.

Pati sila ay naiilang dahil sa itsura ng ating bida na daig pa raw ang nagmumurang kamias.

Hindi tuloy nila alam kung talagang bisyo lang ni Sir ang magpa-cute at magpapogi o siya ay isang closet queen.

Kung makikita ninyo sa publiko at TV interviews ay machong-macho naman kahit paano ang dating ni Sir at prominente ang kanyang mamulamula at malasutlang kutis.

Kilala rin siyang ma-epal sa mga isyung may kinalaman sa kanilang sektor pero kung tutuusin ay okay na rin yun at least hindi naman nasayang ang pagme-maintain nya sa kanyang kutis dahil lagi siyang naisasalang sa mga TV interviews.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang transport leader na kilala rin sa tawag na “baby face” sa hanay ng mga driver at operator ng mga papumpublikong sasakyan ay si Mr. E…as in Ewwww.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending