Hiling kina Digong at De Lima: Tama na ang dakdakan, unahin ang mga nagugutom! | Bandera

Hiling kina Digong at De Lima: Tama na ang dakdakan, unahin ang mga nagugutom!

Jobert Sucaldito |August 26,2016
facebook
share this

Hiling kina Digong at De Lima: Tama na ang dakdakan, unahin ang mga nagugutom!

Jobert Sucaldito - August 26, 2016 - 12:30 AM

rodrigo duterte

 

Nakakapagod na ang pambebengga ni Presidente Duterte kay Sen. Leila de Lima na siyang laging laman ng Facebook page natin every minute of our lives.

Grabe ang ginagawang psy-war ni Digong kay Leila – ewan ko kung kailan ito hihinto. Nakakaramdam lang ako ng lungkot dahil everything is blown out of proportion na – not good for the country na kumbaga.

Napakaraming dapat asikasuhin ang bansang ito, hindi lang droga at bangayan. Sana ay mag-focus naman ang pamahalaan sa iba pang aspeto ng gobyerno. Habang nag-aaway silang dalawa ay napakaraming namamatay sa gutom.

Hoy, magsitigil na nga kayo! Ang dami pang “labahin” sa paligid. Huwag yung bangayan kayo nang bangayan, nakakahiya sa mga batang nagugutom. Nakakaloka ang dalawang ito! Hindi sa kampi ako kay De Lima pero pangit talaga sa isang lalaki ang nakikipagbangayan sa isang babae. It’s distasteful kahit saang anggulo mo tingnan.

Nasabi ni Digong na kinasuhan daw siya ni De Lima when he was still Davao City mayor while the lady senator was still DOJ Secretary? In short, this is obviously some kind of a vengeance na hindi dapat dahil ang nagsa-suffer dito ay ang taumbayan.

Pareho naman silang may maganda sanang adbokasiya lalo na on the eradication of drugs pero ayaw talagang tantanan ni Digong ang kinamumuhian niyang senadora. When will this end? WHEN?



Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending