Morissette tunay na ‘birit queen; perfect ang sipol ala-Mariah Carey
KUNG may karapat-dapat tawaging Birit Queen sa bagong henerasyon ng mga biritera sa music industry, iyan ay walang iba kundi ang Kapamilya singer-performer na si Morissette Amon.
Talagang pinalakpakan ang dalaga nang mag-perform sa harap ng entertainment press sa ginanap na media conference kamakalawa para sa “Powerhouse” kung saan makakasama rin niya ang ilan sa magagaling na Pinoy international singers.
Kabilang nga rito sina Arnel Pineda, Michael Pangilinan at X-Factor UK finalist The 4th Impact, with Mayumi (grand champion sa JaPinoy Star Quest ng ABS-CBN) and TOMS Band bilang front act.
Ang galing-galing naman kasi talagang mag-perform ni Morissette, perfect ang kanyang sipol ala-Mariah Carey sa isang piyesa na kinanta niya during the presscon.
Pasampol pa lang niya iyon para sa members of the press pero parang nasa concert ka na rin dahil todo na ang pagbirit ng Kapamilya singer. Winner din ang duet nila ni Michael on stage.
In fairness, simula nang lumipat sa ABS-CBN si Morissette, biglang bumongga ang kanyang career. Kung matatandaan, 2013 nang magpaalam siya sa TV5 para sumali sa The Voice.
“I had work naman sa TV5. I was able to sustain for the family. Kaso, hindi ko passion yun (umarte). I was an artist, I was into acting pero talagang hindi yun ang gusto ng puso ko.
“So, when we found out na may audition yung The Voice, we asked the network, and they gave us the blessing kasi aminado naman sila na at that time wala silang variety show,” sey ng Birit Queen ng ASAP (along with Jona, Klarisse and Angeline Quinto)
Dagdag pa niya, “It was a big risk. It’s like starting over again and the idea na mag-blind audition, baka hindi ako matanggap. Pero, ayun sabi ko, ‘Sige na lang we’ll give it a try and it’s in the big network, anything can happen.’”
At ngayon nga ay isa na si Morissette sa pambatong singer ng ABS-CBN at kaliwa’t kanan na rin ang shows niya here and abroad, “Natutuwa po ako, kasi siyempre kasi nakikitaan na rin po ako ng slot o space sa industry.”
Nagpasalamat naman ang dalaga na isa siya sa napili ng Lucky 7 Koi para maging bahagi ng kanilang bonggang concert. Promise ng Birit Queen, hinding-hindi malulugi ang bibili ng ticket dahil major-major ang mga gagawin nilang production numbers.
Ngayon pa nga lang ay pinaghahandaan na ni Morissette ang “Powerhouse” concert na gaganapin sa The Theatre of Solaire Resort & Casino sa Oct. 28, 7:30 p.m.. This is produced by Lucky 7 Koi Productions, Inc.. For ticket inquiries, call lang kayo sa Ticketworld (891-9999).
Siyanga pala, ultimate dream ng Lucky 7 Koi Productions na dalhin sa Pilipinas ang award-winning international singer na si Adelle at si Barbra Streisand. Why not, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.