DEAR Ma’am,
Ako ay isang OFW at first time kong magtrabaho abroad. Umalis ako last November 6 diyan sa Pilipinas. May tanong po ako regarding sa aking PhilHealth. Bago po ako umalis ng Pilipinas ay nag-fill up po ako ng PhilHealth form noon sa agency ko tapos nagbayad ako ng processing fee kasama sa binabayaran ko itong Philhealth.
Ngayon ay may resibo ako ng Philhealth na P2,400 na ang binayaran ko. Paano ko po ba malalaman na active po ako sa PhilHealth at kung paano ko ito mabe-verify para makuha ko ang PhilHealth ID ko at malaman ko ang Philhealth number ko?
Ito po ang resibo ng Philhealth ko.
Sana po masagot n’yo po ang aking katanungan. Thank you.
Mr. Joebel Recla
REPLY:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Upang maberipika po namin ang inyong
rekord, pakibigay po ang mga sumusunod na impormasyon:
Kumpletong Pangalan (Last Name, First Name, Middle Name)
Araw ng Kapanganakan
Tirahan:
SSS Number
Base po sa nakalakip na resibo, naka-indicate na po ang inyong PIN o PhilHealth Identification Number (Bandera: numbers withheld). Maaari po kayo o ang inyong representative mag-request ng inyong PhilHealth ID sa kahit saang PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO). Kung ang inyong representative po ang kukuha ng inyong ID, magbigay lamang po ng authorization letter at kopya ng inyong dalawang valid IDs. Ang inyong representative po ay kailangang magdala rin ng dalawang valid IDs.
For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph.
Thank you.
Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center:
441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.