Ang Lalaking Mahiwaga | Bandera

Ang Lalaking Mahiwaga

Joseph Greenfield - August 21, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay  Cassandra ng Luyahan, Pasonanca, Zambonga City
Dear Sir Greenfield,
Sa ngayon ay may isang lalaking mahiwaga na laging nagte-text sa akin na hindi ko malaman kung sino kaya ang taong ito? Lagi niya akong pinapadalan ng sweet message at kapag tinatanong ko kung sino siya, sinasabi sa aking “secret” daw po pero matagal na daw kaming magkakilala. Paano ko kaya malaman kung sino ang ka-text mate kong ito, na ayaw magpakilala? Madalas din akong makataangap ng mga regalo sa na hindi ko alam kung sino ang nagpdala, pero sabi ng ka-text mate ko siya daw iyon. Siya kaya ang dati kong manliligaw o siya kaya
iyong sinasabing lalaking matagal ng may crush sa akin o baka naman siya iyong lalaking dati ko ng crush pero hindi naman kami magkakilala ng personal? Sana sa pamamagitan ninyo makilala ko na ang lalaking ito para hindi na ako mamroblema. April 25, 1995 ang birthday ko.
Umasa,
Cassandra ng
Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sakaling maging boyfriend mo ang mahiwaga lalaking ka-text mate mo, tiyak ang magaganap, wala ng paligoy-ligoy at pasikot-sikot pa – kayo na nga ang magkakatuluyan!
Cartomancy:
Ten of Hearts, Nine of Diamonds at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing malamang na mayaman ang misteryosong lalaking ka-text mate mo at sa susunod na buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, makikilala mo na rin sa wakas kung sino ang mahiwagang lalaking ito.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending