Young actress reyna ng kaartehan, puro na lang reklamo | Bandera

Young actress reyna ng kaartehan, puro na lang reklamo

Cristy Fermin - August 21, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM FEMALE 0316

KUNG pagiging maarte ang pag-uusapan ay wala na raw mas titindi pa sa sobrang kaartehan ng isang young actress. Napakatemaarts daw talaga ng isang ito, nang magsabog kuno ng kaartehan ang langit ay gising na gising siya, kaya ang dami-dami niyang nasambot.

Hindi na baguhan ang young actress, bagets na bagets pa siya nang pumasok sa pag-aartista, pero hanggang ngayon ay kipkip pa rin niya ang matinding kaartehan. Kuwento ng isang source, “Ang lahat para sa kanya, e, malaking issue. Walang maliit na issue para sa kanya. Basta, lahat-lahat, malaking issue para sa hitad na ‘yun!

“Kunwari, may sasakyang ipagagamit sa kanya sa malayong biyahe ang sponsor niya. Ay, malaking issue para sa kanya ang amoy ng car, ang driver ng kotse, marami siyang angal. “Kailangang paispreyan niya ‘yun ng scent na gustung-gusto niya para maging maayos ang biyahe. E, sa liit ng butas ng ilong niya, say n’yo, nakukuha pa niyang pakialaman pati ang amoy ng sasakyan?

“May mga sponsors ang hitad na ‘yun. May mga sapatos, damit, cologne, accessories at kung anu-ano pa. Naiinis na sa kanya ang staff ng company dahil ang dami-dami niyang reklamo. “Kesyo ang tigas ng tela ng mga damit, kesyo nangangati siya sa textile, kesyo ayaw niya ang design dahil pangmatanda raw!

“Nagrereklamo rin siya sa sapatos na ipinadadala sa kanya dahil matigas daw ang leather, nagkakapaltos daw ang mga paa niya, kesyo ayaw raw niya ang ipinadadalang design sa kanya dahil hindi makahinga ang mga paa niya! Ang dami-dami niyang angal!” kuwento ng aming impormante.

Bilang huling hirit ay may pahabol pa ang aming source, “Bradly Guevarra, siguradong kilalang-kilala mo siya. Huwag mong kimkimin ang hula mo, ilabas mo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending