Horror Queen Lilia Cuntapay pumanaw na | Bandera

Horror Queen Lilia Cuntapay pumanaw na

- August 20, 2016 - 01:14 PM

LILIA CUNTAPAY

LILIA CUNTAPAY

SUMAKABILANG-BUHAY na ang veteran character actress at tinaguriang Horror Queen na si Lilia Cuntapay sa edad na 81, kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, dakong alas-6 ng umaga nang bawian ng buhay ang veteran actress habang nasa pangangalaga ng kanyang mga kamag-anak sa Barangay Tartarabang, Pinili, Ilocos Norte.

Mismong ang kanyang apo na si Elma Cuntapay-Daet ang nagkumpirma ng malungkot na balita.

Kung matatandaan, naging visible muli sa telebisyon si Lilia Cuntapay nang personal siyang manghingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan at nakatrabaho sa showbiz para sa kanyang pagpapagamot.

Nagkaroon kasi ng matinding problema sa kanyang spinal cord ang matanda.

Dahil dito, hindi na siya nakalakad kaya napilitang tumigil sa pagtatrabaho at paglabas sa mga programa sa TV at pelikula.

Kung hindi kami nagkakamali, ang huling proyektong ginawa ni Aling Lilia ay ang teleseryeng Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano kung saan pinag-usaan din ang loveteam nila ng isa pang veteran actor na si Nonong de Andres o mas kilala sa tawag na Banky.

Ilan pa sa mga hindi malilimutang proyekto ng Horror Queen ay ang pelikulang “Shake, Rattle & Roll”, at ang mga TV series na Okatokat at Wansapanataym.

Noong Nov. 13, 2011 natanggap ni Aling Lilia ang kauna-unahan niyang Best Actress award para sa pelikulang “Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay” sa Cinema One Originals Digital Film Festival na idinirek ni Antoinette Jadaone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending