Ex-couple nagkaayos na matapos maglabasan ng mga baho | Bandera

Ex-couple nagkaayos na matapos maglabasan ng mga baho

Cristy Fermin - August 20, 2016 - 12:15 AM

blind item male female

MARAMING nakakaramdam na lumalamig na ang hidwaan sa pagitan ng isang nagkahiwalay na mag-asawang personalidad. Hindi na sila masyadong nagpapalitan ng masasakit na salita ngayon.

Meron bang kumausap sa kanila? Meron bang namagitan? Sa kanila ba nanggaling ang desisyong manahimik na lang kahit para man lang sa kanilang mga anak? Kuwento ng isang source na may nalalaman sa kuwento, “Ganu’n naman talaga, di ba? Una muna, talagang magkakaroon ng mga pagsasakitan, pero hindi naman physical, salitaan lang!

“Sobrang hurt pa kasi sila, lalo na sa side ng girl, dahil ang feeling niya, e, sobra naman siyang naging kawawa sa sitwasyon. Pero may paraan ang panahon para pagalingin ang pusong sobrang nasaktan, di ba?” bitin na kuwento ng aming impormante. Siguro nga ay tanggap na ngayon ng aktres na hanggang dito na lang ang relasyon nila ng aktor.

Nakapanghihinayang ang kanilang pagmamahalan pero tanggap na nilang pareho na nawala man ‘yun ay puwede pa rin naman silang maging magkaibigan. “Matindi ang namagitang away nila, halos lahat ng detalye tungkol sa pagsasama nila, e, inilantad nila sa publiko. Siguro nga, e, pinagsisisihan na nila ‘yun ngayon.

“Puwede naman pala silang maging magkaibigan pa, kaya sana, e, hindi na lang sila nagbatuhan ng dirty linens in public nu’n. “Pero tao lang naman kasi silang nasasaktan, dumedepensa, normal ang emosyon nila. Madali silang ma-provoke, lalo na’t may mga tao pa sa paligid nila na bumubulong, natural lang ‘yun.

“Bradly Guevarra, maganda na ang mga nangyayari ngayon sa buhay ng nagkahiwalay na mag-asawa. Kahit naman ikaw ang papiliin, ano ba ang mas gusto mo, ang pagsikat o paglubog ng araw?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending