Kalat na: 2 kundisyon ni Kris ibinasura ng ABS-CBN kaya lilipat na raw sa GMA 7 | Bandera

Kalat na: 2 kundisyon ni Kris ibinasura ng ABS-CBN kaya lilipat na raw sa GMA 7

Cristy Fermin - August 20, 2016 - 12:35 AM

kris aquino

PURO mga kuwento pa lang ang umiikot ngayon tungkol sa career ni Kris Aquino, wala pang kumpirmado, kailangang lina-win ng aktres-TV host kung saan ba papunta ang direksiyon ng kanyang karera ngayon?

Pumutok ang balita na ang gusto niyang pirmahang kontrata sa ABS-CBN ay tatlong taon, pero ang gusto diumano ng network ay isang taon lang, kaya hindi sila nagkasundo.

Ang gusto rin diumanong mangyari ni Kris ay ang magkaroon siya ng isang morning show agad-agad, pero hindi puwedeng mangyari ang kanyang gusto, paano naman ang mga babaeng personalidad na sumalo sa iniwanan niyang time slot nang magsabi siyang tatalikuran na muna niya ang lahat ng kanyang mga ginagawa na nagbibigay sa kanya ng stress?

Nakakaalarma ang pangyayari, parang lumalabas na hindi pinagbigyan ng istasyon ang kung ano ang mga gusto ni Kris, tapos na ba ang kanyang career sa Dos?

Ayon sa pinakahuling balita ay si Mr. Tony Tuviera na ng TAPE, Inc. at APT Productions ang manager ngayon ni Kris. Magkakasama na sila ngayon sa isang kuwadra nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Wala na nga kayang pag-asang manumbalik ang napakagandang relasyon nu’n ni Kris at ng ABS-CBN? Hindi raw pinigilan ng network si Kris Aquino nang magsabing lilipat na lang siya ng bakuran.

Ngayon siguro’y hindi malaman ni Kris kung ano ang kalalabasan ng mga bago niyang desisyon. Lahat nga ng mga bagay at pangyayari sa mundo, ayaw man natin, ay may katapusan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending