SARAH-JOHN LLOYD movie apektado sa mga sumabog na iskandalo sa showbiz
Ang dapat daw talagang kabahan ngayon ay itong sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz dahil ngayong Sabado de Glorya (Marso 30) na ipapalabas ang third movie installment nilang “It Takes A Man And A Woman” under Star Cinema.
Natabunan kasi ng mga iskandalong love affair and child’s rights ang supposedly balik-tambalan ng dalawa after four years na in all fairness naman sa trailer ay nakakakilig talaga, marami naman daw kasing bagong ipinakita sa movie si direk Cathy Garcia-Molina.
Well, naniniwala naman kaming may huge following ang tandem nina Lloydie at Sarah and when we say “huge” ay sila yung hindi mangingiming magbayad sa mga sinehan just to have an hour-plus enjoyment time sa kuwento nina Layda Magtalas at Miggy Montenegro.
“Basta kaming mga Popsters na forever na yatang isesemento sa emosyon namin ang kikay, kalog at jologs na Sarah Geronimo, ay talagang pipila sa mga sinehan sa March 30,” sigaw ng isang katropang Popsters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.