Housemate Nikko: Napakalaki ng naitulong sa akin ng PBB! | Bandera

Housemate Nikko: Napakalaki ng naitulong sa akin ng PBB!

Jobert Sucaldito - August 20, 2016 - 12:15 AM

nikko natividad

SPEAKING of our two other anak-anakans, Michael Pangilinan and Nikko Seagal Natividad, nagko-compete ang dalawa sa pagka-busy these days. Thank God at kahit paano ay may nangyayaring maganda sa kanilang respective careers – Michael as a mainstream singer/performer/recording artist and Nikko as a dancer, part-time singer and host.

Michael today will be at Robinson’s Antique para sa promo ng kaniyang second album under Star Music entitled “Michael” with “Hanggang Kailan” as his carrier single. Same album will be formally launched sa SM San Jose del Monte bukas ng 4 p.m. via a mini-concert ng ating Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala.

“Sobrang excited ako sa album na ito. Nandito na lahat ng mga hinahanap ninyong songs with a heatbreaking ‘Hanggang Kailan’. Grabe ang hugot sa kantang ito, simple lyrics pero punumpuno ng heartache.

“Tuwing kinakanta ko ito para akong naluluha kahit hindi ko pa naman nararanasan masyado ang masaktan nang sobra sa pag-ibig. For sure makaka-relate ang marami sa song na ito. Ibang klase,” ani Michael.

Ang ilan sa theme songs ng mga teleserye na kinanta niya sa ABS-CBN ay nakapaloob din sa album na ito. Aside from that, halos weekly ay meron siyang out of town engagement bilang Ambassador ng Smart Brokada. Madalas din siyang isinasama sa “Regine Series” ng ating Asia’s Songbird na si Ms. Regine Velasquez for PLDT.

Like sa Sept. 4, kasama siya ni Regine sa Batangas at sa Sept. 11 naman sa Sta. Rosa, Laguna. On the other hand, si Nikko naman ay araw-araw napapanood sa It’s Showtime at sa ilang out of town shows like sa SM Center sa Cabanatuan City this coming Tuesday, Aug. 23. Ang daming naka-line-up na events for him, not to mention some endorsements with his co-Hashtags members.

“Malaking tulong sa akin ang PBB Lucky 7. Nag-top 3 kami sa nakaraang stint namin sa loob – kami ni Macoy as one. Hopefully ay pala-rin kami sa finals. I don’t know yet kung kailan. Basta nagdarasal ako palagi kay Lord na sana ay gabayan pa Niya ako, not just sa work but sa lahat-lahat.

“I am very happy with what’s happening sa career ko, maybe mga movie naman soon or regular TV shows aside from It’s Showtime. I am very happy,” ani Nikko na nangangayayat lately dala ng sobrang paghataw sa sayawan.

Tatlong anak ko ang tinututukan ko ngayon, sina Michael, Nikko and Kiel. Sana ay lalo pang tumayog ang kanilang mga karera. Huwag lang silang baguhin ng panahon dahil kotong ang aabutin nila sa akin bilang nanay-nanayan. Huwag naman sana. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending