Katotohanan matatabunan ng personal na atake
Hindi umano lalabas ang katotohanan kung magiging personalan ang banat sa pagitan ni Pangulong Duterte at Sen. Leila de Lima. Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus walang pupuntahan ang mga personal na batikos kaya sa huli ang lugi dito ay ang taumbayan. “Personal attacks muddle investigation and steer people further away from truth and justice. Resorting to sexist attack is likewise wrong and unacceptable,” ani de Jesus. Sinabi ni de Jesus na ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang mga ebidensya sa mga alegasyon kaya dapat na tigilan ang batuhan ng personal na putik. “We urge President Rodrigo Duterte and Sen. Leila De Lima to both stick to facts in both the investigations on extrajudicial killings and the probe on drug trafficking and coddling. Only then will the investigations truly serve the interests of the public victimized by the drug trade and the extrajudicial killings that has marred the war on drugs. Only then will investigations serve the best interests of the people,” ani de Jesus. Inakusahan ni Duterte si de Lima na immoral at kalaguyo umano ang kanyang bodyguard na nangongolekta umano sa mga drug lord. Umalma naman si de Lima sa personal na pag-atake sa kanya ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.