Isang Filipino na pinaniniwalaang ginahasa ang namatay sa Saudi Arabia, ayon kay ACTS OFW Rep. Aniceto Bertiz. Sinabi ni Bertiz na namatay ang 35-anyos na si Irma Avila Edloy habang ginagamot sa King Salman Hospital sa Riyadh dahil sa mga sugat na tinamo nito. Si Bertiz ay miyembro ng delegasyon na pumunta sa Saudi upang asikasuhin ang mga overseas Filipino worker na nawalan ng trabaho roon. “She arrived in Riyadh last July 28, filled with noble dreams on how to help her family. She may be gone, but every effort must be made to make sure that her case will not be buried and forgotten,” ani Bertiz. Agad namang sinuspendi ni Labor Sec. Silvestre Bello ang Rejoice Employment International Corporation, ang agency ni Edloy, habang iniimbestigahan ang nangyari. Dumating si Edloy sa Saudi noong Hulyo 28 upang pumasok na katulong at ang principal employer nito ay ang Al Sayyar Recruitment sa Riyadh. Sinabi ni Bertiz na kailangang bisitahin ang bilateral labor agreement ng Pilipinas at Saudi na pinirmahan noon 2013 upang mabigyan ng dagdag na proteksyon ang mga OFW. “We need to revisit our bilateral labor agreement with Saudi Arabia regarding Filipino domestic workers because it doesn’t seem to be working as planned,” ani Bertiz na bumisita kay Edloy kasama si Bello. “The OFW had a heart attack immediately after seeing her Saudi employer at the hospital. We cannot discount the possibility that her employer may be involved,” dagdag pa ni Bertiz. Marami umanong sugat si Bertiz sa mukha at katawan ng isugod sa ospital. Puno rin ng dugo ang underwear nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.