Aiza, Liza pinagre-resign agad sa posisyong ibinigay ni Digong
NA-APPOINT na chairman ng National Youth Commission si Aiza Seguerra and his wife, Liza Diño was appointed as chairperson of the Film Development Council of the Philippines (FDCP).
When we interviewed Liza for “Dog Shooter”, an indie film, she said na she wasn’t expecting any government position from the Duterte administration. Isa pa, marami silang dapat asikasuhin ni Aiza dahil nga gusto nilang magkaanak through a surrogate mom.
So, how did netizens take this new positions for Liza and Aiza? Sadly, most were against them. “Please lang. Hanggang sa kanila na lang please. Wag na sana umabot pa kay Mocha hanashera at Evan Demaldal.”
“Mga oportunista! Si Liza swerte at nagkatrabaho na siya.” “Nabawasan ang unemployed dahil may work na si Liza Dino.” “Truly laughable.”
“Kaya pala sobrang putak nito nagpapapansin sa social media masyadong sipsip ito kay du30.” “Pangarap ng natupad. Susunod tatay naman ni Liza.” ‘Yan ang ilang comments against them which surfaced on the comments section ng isang popular website.
Actually, hindi mo rin naman talaga masisisi ang mga tao kung mag-isip man sila na government position ang habol ng ilang celebrities kaya sila sumusuporta sa isang candidate.
Kung sincerely ay hindi talaga government position ang habol nila, they could have at least turn down any position that is being offered to them. Imagine, may bashers pa ngang pinagre-resign agad ang mag-asawa?!
Wait na lang tayo kung ano ang magandang magagawa nina Aiza at Liza bilang mga bagong pasok sa gobyerno. Kung wala talaga silang magandang nagawa at kung nagpa-cute lang sila sa kanilang posisyon, saka na lang kayo magwala sa galit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.