Pacman magulong kausap; pabor sa death penalty pero kinampihan ang mga Marcos
BINATIKOS si Sen. Manny Pacquiao sa kanyang recent pronouncements about death penalty for drug suspects and for Ferdinand E. Marcos’s burial sa Libingan ng mga Bayani.
Kasi naman, tila lumabas ang double standard view ng Pambansang Kamao. “Sa Romans 13, basahin natin ‘yang one to seven. Malalaman natin ‘yan. Sa mata ng Panginoon, hindi bawal ‘yang death penalty.”
That was his take on death penalty. Pabor siyang ibalik ang nasabing sentensiya sa mga mapapatunayang guilty for major drug-related offenses. But when it comes to Marcos, biglang iba na ang kanyang aria. Parang naging very forgiving naman siya considering the fact na maraming kasalanan sa maraming Filipino ang dating pangulo.
“Kahit gaano kasama ang isang tao, ang pinakaimportante diyan magkaroon tayo ng forgiveness. Let our good Lord to judge everything siguro,” say naman niya. Now, you be the judge. Is Manny taking sides here?
Kami naman, pabor na bigyan ng matinding sentensiya ang mga sangkot sa illegal drugs. But please, they’re not the only criminals in this country. Ang daming magnanakaw na politico but they continue with their unabated robbery of government coffers.
Kung may death penalty sa drug pushers, dapat meron ding parusang kamatayan sa mga politikong magnanakaw. Nakikita natin ang kasamaan ng drug offenders pero hindi natin nakikita ang kasamaan ng corrupt government officials. Ano kayo, hilo o bobo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.