Aga balik ABS, judge sa Pinoy Boyband Superstar; Kinarir din ang pagda-diet

By Ambet Nabus August 19,2016
share this

Aga balik ABS, judge sa Pinoy Boyband Superstar; Kinarir din ang pagda-diet

By Ambet Nabus August 19,2016
share this
aga muhlach

Photo curtesy of ABS CBN

BALIK-ABS-CBN na nga si Aga Muhlach bilang isa sa apat na hurado sa bagong reality talent search na Pinoy Boyband Superstar.

Makakasama niya bilang judge sa programa sina Sandara Park, Yeng Constantino at Vice Ganda to be hosted naman by Billy Crawford.

Ito raw ang papalit sa malapit nang magtapos na The Voice Kids hosted by Luis Manzano with coaches Megastar Sharon Cuneta, Lea Salonga and Bamboo.

Balitang pursigido rin sa pagpapapayat si Aga dahil ayaw daw nitong magmukhang “tatay” ng mga makakasamang judges sa Pinoy Boyband Superstar. Ha-hahaha!

May mga nakita kaming litrato ni Aga recently, at mukhang nabawasan na rin ang timbang niya tulad ni Mega. May mga narinig pa nga kaming chika na baka raw sina Aga at Sharon pa ang maging magkatambal sa comeback movie ng Megastar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending