Kongresista nagpapatak-patak para may maibigay sa silver Olympian na si Hidilyn Diaz | Bandera

Kongresista nagpapatak-patak para may maibigay sa silver Olympian na si Hidilyn Diaz

Leifbilly Begas - August 18, 2016 - 07:02 PM
  hidylin diaz Nagpapatak-patak ang mga kongresista para mayroon silang maibigay sa silver Olympian na si Hidilyn Diaz sa pagpunta nito sa Kamara de Representantes sa susunod na linggo.      Ayon kay Zamboanga City Rep. Celso Lobregat mayroon ng 145 kongresista na pumayag na kaltasan ang kanilang suweldo ngayong buwan para ibigay kay Diaz.      Hindi naman sinabi ni Lobregat kung tig-magkakano ang ibinibigay ng mga mambabatas ng kusang loob.      Umaasa si Lobregat na aabot ng P1 milyon ang malilikom na pera. “It’s not the amount, it’s the gesture.”      Kinausap umano ni Lobregat si Speaker Pantaleon Alvarez at ito ang unang pumirma para maglaan ng pera kay Diaz.      Si Diaz ay mula sa Zamboanga kung saan kongresista si Lobregat.      Si Lobregat ang nag-aayos ng pagpunta ni Diaz sa Kamara para sa kanyang parangal matapos na manalo sa 53-kilogram weightlifting competition sa Rio Olympics.       Hinimok pa ni Lobregat ang kanyang mga kasama sa House committee on appropriations na tumulong sa pangangalap ng pondo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending