Phoenix-Tanduay sisimulan ang PBA D-League finals duel
Laro Ngayon
(Alonte Sports Arena)
4:30 p.m. Tanduay vs Phoenix
(Game 1, best-of-three finals)
ASAM ng isang koponan na iuwi ang lahat ng nakatayang titulo ngayong taon habang isa ang nagnanais masungkit pinakauna nitong korona sa paghaharap ngayon ng Phoenix at Tanduay sa Game 1 ng best-of-three Finals series ng 2016 PBA D-League Foundation Cup sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Ang Accelerators ang pinapaboran na magwagi sa titulo matapos nitong patalsikin ang matinding karibal na nagtatanggol na kampeong Café France.
“Our goal is to be there in the Finals. We want to win and play with all our hearts,” sabi ni Phoenix coach Eric Gonzales. “I’m just thankful sa players dahil they lived up to the challenge.”
Inaasahang pamumunuan ni MVP contender Mike Tolomia ang koponan kasama sina Mac Belo, Ed Daquioag, at Roger Pogoy.
Pinalakas naman ng Tanduay Rhum Masters ang komposisyon sa pagkuha kina Gelo Alolino at Kevin Ferrer. Tinalo nito sa tulong ng dalawang manlalaro ang top seed na Racal sa semifinals upang makatuntong sa una nitong paglalaro sa Finals.
Nakalalamang ang Phoenix kontra sa Tanduay sa kanilang head-to-head sa kumperensiya.
Naunang tinalo ng Accelerators ang Rhum Masters, 98-79, noong Hunyo 7 bago muling nagwagi, 108-95, noong Hulyo 12.
Nakatakda naman ang kampeonato ganap na alas-4:30 ng hapon matapos na dalhin ng PBA D-League ang laro sa una rin nitong paglalaro sa probinsiya ng Laguna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.