Female star nabiktima rin ng mataray at talakerang aktres | Bandera

Female star nabiktima rin ng mataray at talakerang aktres

Cristy Fermin - August 18, 2016 - 12:37 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

MAY hugot pala ang isang female personality tungkol sa isang hindi na kabataan pero hindi pa rin naman nagkakaedad na aktres. Naganap ‘yun nu’ng nagsisimula pa lang siyang nag-aartista.
Natural, dahil bagito pa lang siya nu’n, kung anong oras ang calltime ay mas maaga pa sa ibinigay na oras sa kanya ang ginagawa niyang pagre-report sa set.

Nakakaawa nu’n ang bagitong female personality dahil ang nagbinyag ng apoy pa naman sa kanya ay ang aktres na pinangingilagan ng mga artista dahil may kasakitan itong magsalita kapag wala sa mood.
Kuwento ng aming source, “Maaga siyang dumating sa set, dalawang oras pa bago magsimula ang take, nasa location na siya.

Dahil napakaaga pa naman, nagpunta muna sa sasakyan niya ang girl, pero nakita na siya ng buong production staff na nandu’n na siya. “Dumating ang aktres na bumibida sa pelikula, pagbaba pa lang niya ng sasakyan, medyo kumukuda-kuda na siya. Wala sa mood si ____ (pangalan ng aktres na starring sa movie).

“Pagbaba sa car ng girl na dalawang oras nang nandu’n, nagbigay-pugay siya siyempre sa kanilang bida, na-shocking Asia ang female personality! “Tinalak-talakan siya ng girl, kung anu-ano na ang pinagsasabi sa kanya, kesyo nagpapaimportante raw siya, e, kabagu-bago pa lang niya! Gusto sanang magpaliwanag ng girl, pero hindi na siya nakasingit sa kuda nang kudang aktres!

“Napaiyak na lang siya, hindi niya kasi kinaya ang mga pinagsasabi sa kanya ng bida ng movie, parang hinusgahan na ng girl ang kahihinatnan ng career niya,” kuwento ng aming impormante. Umikot ang gulong ng buhay ngayon. Ang kinawawang aktres ay nandito pa rin, maraming proyekto, nakakatanggap pa nga siya ng mga parangal.

Ang aktres na nagtatalak nu’n sa kanya ay parang pinagtampuhan na ng kapalaran, wala nang ginagawang pelikula at kahit serye man lang sa telebisyon, sign-off na ang kanyang career. Pagtatapos ng aming source, “Naku, Bradly Guevarra, siguradong ayaw mo rin sa masikip, ayaw mo sa marumi, di ba naman?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending