Charice ipinahiya ng Lola dahil sa pera, inirereklamo ang pakikialam ni Alyssa | Bandera

Charice ipinahiya ng Lola dahil sa pera, inirereklamo ang pakikialam ni Alyssa

Cristy Fermin - August 18, 2016 - 12:36 AM

charice pempengco

Maraming naawa kay Charice Pempengco sa mga inabot niyang masasakit na salita mula sa kanyang lola. Galit na galit si Nanay Tessie Pineda sa kanyang apo, wala na raw ibang pinakikinggan ngayon ang international singer kundi ang karelasyon niyang si Alyssa Quijano, saka ang pamilya nito.

Sentimyento ni Nanay Tessie ay ito ang nagpalaki kay Charice, ang sumubaybay sa kanyang career, pero parang iba naman ang nakikinabang sa mga biyayang dumarating ngayon kay Charice. Matindi ang galit ng lola ni Charice, naghahamon pa ito ng komprontasyon, kailangan na raw nilang magkaharap-harap para malaman na kung sino talaga ang matapang sa kanila.

Walang sagot si Charice sa mga birada ng kanyang lola, nagustuhan ng mas nakararami nating kababayan ang pananahimik ng singer, respeto nga naman ang ibig ipakahulugan ng kanyang desisyong huwag sagutin ang kanyang lola.

Hindi man direktang binanggit ni Nanay Tessie ang dahilan ng galit nito sa kanyang apo ay maraming nagpapalagay na pera ang ugat ng lahat. Akala raw ng lola ni Charice ay si Alyssa Quijano at ang pamilya nito ang kumokontrol ngayon sa buhay at career ng international singer.

Sabi nga ng aming source, “Tama lang na tumanaw tayo ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa atin, pero sana naman, e, maintindihan din ng mga taong ‘yun na napakalaki na ng nagawa ni Charice para maging maginhawa ang buhay ng family niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending