JoWaPao nag-reunion; kumalat na litrato ng 3 lola pinagpiyestahan ng Dabarkads | Bandera

JoWaPao nag-reunion; kumalat na litrato ng 3 lola pinagpiyestahan ng Dabarkads

Ervin Santiago - August 17, 2016 - 12:01 AM

paolo jose wally

MARAMING natuwa nang makita ang latest picture ng tatlong lola sa Kalyeserye ng Eat Bulaga sa social media. Nag-post kasi si Paolo Ballesteros ng photo nila nina Jose Manalo at Wally Bayola sa kanyang Instagram account na may caption na: JOWAPAO?????????? #Enteng10!”

Pinaniniwalaang kuha ang nasabing litrato sa set ng pelikulang “Enteng Kabisote 10 And The Abangers”, ang magiging entry ni Vic Sotto sa darating na 2016 Metro Manila Film Festival. sa pagkakaalam namin, may special participation ang tatlong lola ng Eat Bulaga kalyeserye sa nasabing pelikula.

In fairness, napakaraming netizens ang nag-post ng magagandang komento sa photo ng tatlong Dabarkads. Karamihan nga sa mga ito ay nagsabing miss na miss na nila si Paolo sa EB kaya super happy sila na makita uli kahit sa litrato man lang ang JoWaPao.

Sabi ng isang IG follower ni Paolo, “Balik ka na EB! Miss na miss ka na namin! Happy to see the 3 of you na sama sama uli!” “OMG! Finally, buo na uli ang JOWAPAO! Yahoooo! Miss u much!” sabi naman ng isa pang fan ni Paolo.

Suspendido pa rin hanggang ngayon si Paolo sa Eat Bulaga, wala pang announcement mula sa management kung kailan siya babalik sa noontime show.  Pero may mga chika na pinaghahandaan ng raw ng mga Dabarkads ang pagbabalik sa noontime show ng tinaguriang Make-Up Transformation King kaya wait na lang tayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending