Justin Bieber napikon sa fans, nakipagsagutan kay Selena Gomez sa Instagram
Nagkaroon pala ng kaunting sagutan ang dating mag dyowa na sina Justin Bieber at Selena Gomez sa Instagram. Sa isang post ni Justin, pinakiusapan nito ang ilang haters na tigilan na ang kanyang rumored girlfriend na si Sofia Richie, na anak ng singer na si Lionel Richie. Naging close ang dalawa nang magkasama sa Japan para sa Purpose World tour ni Justin. Nagpost kasi ng ilang black and white selfies si Justin na kasama si Sofia na nagme-make-face, na hindi nagustuhan ng ilang fans ni Bieber. Dahil sa inis nito, nagbanta ang singer sa kanyang mga fans, including haters alike, na gagawin niyang private ang account niya. “I’m gonna make my Instagram private if you guys don’t stop the hate this is getting out of hand, if you guys are really fans you wouldn’t be so mean to people that I like.” ang caption niya sa isang photo. “If you can’t handle the hate then stop posting pictures of your girlfriend lol – it should be special between you two only. Don’t be mad at your fans. They love you.” sagot naman ni Selena na kakatapos lang ang concert tour dito sa Pilipinas. Nasundan naman ito ng isa pang comment ni Justin ng “It’s funny to see people that used me for attention and still try to point the finger this way. Sad. All love. I’m not one for anyone receiving hate. Hope u all can be kind to my friends and each other. And yes I love my beliebers” Hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagpopost ng masasamang salita para sa singer ang fans at sinabing nagpapansin ito dahil sa huling comment ni Justin. Samantala, mukhang nagpatutsada pa si Selena kay Justin na mahalin ang fans ng magpost ito sa kanyang account ng collage na nakikipag pictures sa iba’t ibang mga fans nya na may caption na: “My whole life. You matter most. Thank you for letting me do what I love everyday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.