Cristine kay Vivian: Ok lang na magkatrabaho uli kami! | Bandera

Cristine kay Vivian: Ok lang na magkatrabaho uli kami!

Ervin Santiago - August 14, 2016 - 12:15 AM

cristine zanjoe isabelle

PAYAG pa ring makatrabaho ni Cristine Reyes ang veteran actress na si Vivian Velez sa kabila ng iskandalong kinasangkutan nila habang nasa taping ng afternoon series ng ABS-CBN na Tubig At Langis.

Kahapon sa thanksgiving presscon ng kontrobersiyal na serye tuwing hapon, sinabi ni Cristine na walang problema sa kanya sakaling magkasama sila uli ni Vivian sa isang teleserye kahit na nga hindi naging maganda ang naging experience niya sa pakikipagtrabaho sa award-winning actress.

“Okey lang naman po kung maging magkatrabaho uli kami. Naniniwala naman po ako na nadadaan lahat ng bagay sa maayos na pag-uusap, wala namang problema sa akin,” sabi ni Cristine.

Kung matatandaan, nagkaroon ng matinding away ang dalawa matapos ireklamo ni Vivian ang diumano’y kagaspangan ng ugali ni Cristine. Feeling ng veteran star ay binastos siya ni Cristine sa mismong taping ng Tubig At Langis. Hanggang sa mag-resign na nga si Vivian sa programa at pinalitan ni Jean Saburit bilang kontrabida sa serye.

Samantala, isang buwan pang tatagal ang Tubig At Langis sa Kapamilya Gold na pinagbibidahan nina Cristine, Isabelle Daza at Zanjoe Marudo. Kaya asahan ang mas marami pang sabunutan, sampalan, at matitinding drama moments sa tinututukang afternoon series ng ABS-CBN.

Siyempre, kasama pa rin diyan ang laging trending na kontrabida na si Dionne Monsanto, Nadia Montenegro, Lito Pimentel, Archie Alemania, Efren Reyes, Tart Carlos, Mel Kimura, Miko Raval, Marco Gumabao, Ingrid dela Paz at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo. Ito’y sa ilalim ng business unit ni Ruel Bayani.

In fairness, patuloy pa ring humahataw sa ratings game ang Tubig At Langis, namamayagpag sa national TV ratings at nagawang pumalo hanggang 21.1% nationwide base sa datos ng Kantar Media. Usap-usapan din ito sa social media at laging kasama sa top trending topic sa Twitter.

Abangan ang paghihiganti ni Clara (Isabelle) laban kay Irene (Cristine) matapos itong makatakas sa kulungan. Sabi nga ni Belle sa presscon kahapon, siguradong mas magagalit ang viewers sa kanya dahil sa mga gagawin niyang pasabog sa serye. Pero sey naman ni Cristine, hindi papayag si Irene na muling guluhin ng kabit ni Natoy (Zanjoe) ang kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending