Female star wala na ngang ganda, sobrang arte at maldita pa | Bandera

Female star wala na ngang ganda, sobrang arte at maldita pa

Cristy Fermin - August 12, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM FEMALE 0520

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin pala nakakalimutan ng mga kababayan nating nang-imbita ng mga artista para sa kanilang fiesta ang isang nakakaimbiyernang karanasan nila na sangkot ang isang female performer.

Marami silang nagtanghal sa nasabing probinsiya. May sikat, may papasikat pa lang at merong mga inimbitahang nangangarap pa lang na makilala, pero magagaling kumanta.

Kasama sa listahan ng mga performers ang isang babaeng personalidad na hindi man kagandahan ay mahusay namang mag-perform. Sa lahat ng mga naimbitahan ay siya ang kulang na kulang sa kagandahan.

Kuwento ng aming source, “Ang nakakaloka lang kasi, e, siya na nga ang kulang sa ganda, siya pa ang maldita! Kung ‘yung mga naggagandanahang performers nga, e, walang kaarte-arte, siya pa ba naman ang aasta ng ganu’n?

“Sukdulan ang kaartehan at kamalditahan ni ____ (pangalan ng female singer na kapos sa kagandahan), kung makaasta siya, e, para bang siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!
“Kung anu-ano ang hinahanap niya sa promoter ng show, kesyo hindi raw siya kumakanta kapag hindi kumpleto ang technical rider, hindi ba niya alam na napakalayo ng lugar na pinuntahan nila?

“Pinahahanap niya ng kung anu-anong equipment ‘yung mga namamahala sa show, hatinggabi na, may bukas pa bang music strore na mabibilhan ‘yung mga tao o kahit marerentahan man lang?

“‘Yung mga nandu’n ngang sikat na singers, e, walang kahit anong inirereklamo, siya pa ba naman na sahog lang naman sa show ang mag-iinarte?

“Naku, Bradly Guevarra, bukod nga sa ilusyunada na ang girl na itey, e, napakaarte at maldita pa! Ganu’n ba talaga ‘yun? Kung sino pa ang hindi naman umaapaw ang kagandahan, e, ‘yun pa ang nag-iinarte at nagmamarunong?” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending