Showdown nina Coco at Vice sa Probinsyano wagi | Bandera

Showdown nina Coco at Vice sa Probinsyano wagi

Ervin Santiago - August 12, 2016 - 12:10 AM

vice ganda at coco martin

ISANG gabing puno ng saya at katatawanan ang inihain ng nangungunang serye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano sa mga manonood dahil naganap na ang pinakaaabangang talbugan ng ganda nina Ella (Vice Ganda) at Paloma (Coco Martin) noong Lunes (Aug. 8).

Muli ngang nagpanggap si Cardo (Coco) bilang ang kaakit-akit na dalagang si Paloma upang mahuli ang grupo ng online scammers na pinangungunahan ni Ella.

At sa kanyang pagbabalik, nahumaling muli ang lahat sa mga titig at alindog ni Paloma na lubos na kinagiliwan ng mga manonood sa buong bansa, kaya naman nakapagtala ang serye ng national TV rating na 43.3%.

Nanguna rin sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag na #FPJAPKabugan dahil sa pagpapakitang gilas at nakatutuwang dance moves ni Ella na kinagiliwan ng netizens. Mahuli na nga kaya ni Cardo ang mga kawatan?

Maging sapat kaya ang alindog ni Paloma upang matugis sila? Huwag palampasin ang marami pang mga maaaksyong eksena sa nananatiling numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending