Ika-3 sunod na panalo target ng Barangay Ginebra, Rain or Shine | Bandera

Ika-3 sunod na panalo target ng Barangay Ginebra, Rain or Shine

Angelito Oredo - August 10, 2016 - 12:05 AM

Ginebra

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco Bolts vs Rain or Shine
7 p.m. Barangay Ginebra vs Blackwater
Team Standings: Mahindra (4-0); TNT (4-0); Barangay Ginebra (3-1); San Miguel Beer (3-1); Rain or Shine (2-1); Meralco (2-2); Blackwater (1-2); Alaska (1-3); NLEX (1-3); Phoenix (1-3); Star (1-3); GlobalPort (0-4)

IKATLONG sunod na panalo ang hangad ng Rain or Shine at Barangay Ginebra sa pagsagupa sa magkahiwalay na kalaban sa pagbabalik aksiyon ng 2016 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum matapos isagawa ang taunang All-Star Weekend.
Sasagupain ng Elasto Painters ang dumadausdos na Meralco Bolts ganap na alas-4:15 ng hapon habang makakatapat ng Gin Kings ang Blackwater Elite sa tampok na salpukan alas-7 ng gabi.
Huling binigo ng Rain or Shine ang Blackwater Elite, 98-82, para sa ikalawa nitong panalo sa tatlong laro habang tinalo naman ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts, 107-93, sa Lucena City.
Galing sa mahabang pahinga ang Elasto Painters matapos ang huli nitong laro noong Hulyo 29 kontra Blackwater kung saan inamin ni coach Yeng Guiao na ginamit nila ang bakasyon upang patibayin ang kanilang depensa na kanilang itutuon ngayon kay Blackwater import Allen Durham.
“He is the number one in assists among imports (6.0) so that is a concern since na-i-involve niya ang mga local teammates niya,” sabi ni Guiao. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending