Italian GF ni James Yap nanganak na, pinangalanang baby Michael James
NANGANGAK na ang Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola nitong Lunes ng gabi.
Pinangalanan nila ang una nilang anak na Baby Michael James. Ipinanganak ni Michela ang bata sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig, base na rin sa ulat ng ABS-CBN News.
Kung matatandaan, excited na ibinalita nina James at Michela na magiging parents na sila sa isang baby boy. Ipinost pa nga ng PBA cager ang litrato nila ng girlfriend sa kanyang Instagram account habang hawak ang maliliit ng damit para kay Baby Michael James.
Bago manganak si Michela, nag-post pa si James sa IG ng mga larawan ng magdyowa kung saan makikita ang seksing-seksi pa ring Italyana kahit buntis habang nakahubad naman ng pang-itaas si James at nakapantalon.
Si Baby Michael James ang ikatlong anak ni James. Bukod sa anak nila ng dating asawang si Kris Aquino na si Bimby, nagkaroon din siya ng anak sa dati niyang non-showbiz girlfriend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.