Hati ang mga kongresista sa isyu ng paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sinabi ni House Deputy Speaker Fredenil Castro kung susundin ang batas malinaw na maaaring ilibing si Marcos dahil siya ay dating pangulo ng bansa.
“Even an impeached President can be buried at the LIbingan ng Bayani..The law has to be followed,” ani Castro sa press briefing ng House majority bloc. “Ang posisyon ko mayroon tayong batas na nagsasaad nang kung ano ang mga qualifications ng isang patay kung paano siya malilibing sa libingan ng mga bayani.”
Pero sinabi ni Castro na ang paglilibing kay Marcos ay nangangahulugan na kakalimutan na ang mga nangyari noong kanyang pamumuno.
“The atrocities committed and the human rights violations should not be mixed with the issue of burial. Though he is buried, the ill-gotten and other issues may sill be discussed,” ani Castro.
Ayon naman kay House deputy speaker Mercedes Alvarez walang batas na nagbabawal upang mailibing si Marcos.
Giit naman ni House deputy speaker Miro Quimbo ang paglilibing ay hindi dapat ituring na paglilinis sa mga nagawa ni Marcos.
“That is the decision of the President, but it doesn’t mean that the quest for justice ends,” dagdag pa ni Quimbo. “Tingin ko hindi siya simpleng usapin, kung ang paglilibing ay dapat nagdadala ng katahimikan hindi siya (paglilibing kay Marcos) magdadala ng katahimikan.”
Sinabi ni Quimbo na mayroong mga tao na itinuturing na simbolo ang paglilibing kay Marcos kaya tinututulan nila ito dahil sa mga nangyari sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Punto pa ni Quimbo hindi lahat ng nakalibing sa Libingan ng mga Bayani ay itinuturing na bayani dahil naroon din ang mga tao na inaakusahang nasa likod ng pagtortyur at pagkawala ng ilang tao.
Para naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate dapat sa Marcos Museum and Mausoleum sa Batac, Ilocos Norte na lamang panatilihin ang labi ng dating pangulo.
“We should not allow the unrepentant Marcoses to use the burial issue in advancing their revisionist lies on the blood-drenched legacy of the dictator. No amount of embellishment can whitewash the plunder, terror and grave human rights violations perpetrated during the reign of Marcos, a dictator and certainly not a bayani!,” ani Zarate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending