Mga pulis na sangkot sa droga nakatikim ng mura kay Bato
NAKATIKIM ng mura kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” De la Rosa ang mga pulis na kasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa droga matapos silang sumuko sa kanilang mga kumander kahapon ng umaga.
Galit na galit sa De la Rosa habang minumura ang mga pulis na may iba’t ibang ranggo, kabilang na ang matataas na opisyal na PNP, dahil sa kahihiyang ibinigay matapos namang masangkot sa iligal na droga.
“I have only one and a half years. Kapag civilian na ako, baka pa-ambushin niyo ako. Basta hangga’t ako ay chief, PNP, hindi ako papayag na p***** i** mamayagpag ang droga dito!” sabi ni De la Rosa.
Dose-dosenang mga pulis ang pinangalanan ni Duterte sa kanyang listahan, kasama na ang mga mayor, judge at mga miyembro ng militar.
“Kapag kayo bumalik sa dati niyong buhay, papatayin ko kayo. Let’s bring pride to this uniform we wear. ‘Wag kayo magpasilaw sa pera,” dagdag ni De la Rosa.
Umabot na ng 30 pulis ang sumuko kay De la Rosa kahapon ng umaga.
Samantala, tinatayang 18 mga mayor at judge ang nagpunta sa Camp Crame para linisin ang kanilang pangalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.