B
ababa ng 11 sentimos ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan.
Ayon sa Meralco ang pagbaba ay bunsod ng nagmurang generation charge na bumaba ng 20 sentimos kada kiloWatt hour. Ang pagbaba ng generation charge ay bunsod umano ng mas konting panahon na itinaas ang yellow alert o ang mababang suplay ng kuryente noong Hulyo kumpara noong Hunyo. Tumaas naman ng P0.08 kada kWh ang transmission charge at P0.01 kada kWh ang ipinapataw na buwis dito. Ayon sa Meralco bababa ng P21.39 ang singil sa mga kumokonsumo ng 200 kiloWatt kada buwan. Ang mga kumokonsumo ng 300 kWh ay bababa ng P32.08; ang 400 kWh ay P42.77 at ang 500 kWh ay P53.47 kWh.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending