Pinoy boxer bigo sa Rio Olympics | Bandera

Pinoy boxer bigo sa Rio Olympics

Dennis Christian Hilanga - August 07, 2016 - 03:52 PM

charlie suarez

(AFP)

Maagang natapos ang kampanya ni Filipino boxer Charlie Suarez na makapag-uwi ng medalya mula Rio Olympics kasunod ang isang split decision na kabiguan laban kay Joseph Cordina ng Great Britain Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa Riocentro Pavillion 6 sa Rio De Janeiro, Brazil.

Dalawa sa tatlong hukom ang pumabor kay Cordina, ang reigning European champion, sa iskor na 29-28, 28-29, 30-27 sa tatlong round ng lightweight (60 kg) match.

Sa pagkatalong ito ni Suarez tanging si light flyweight Rogen Ladon na lamang ang natitirang Pinoy na pupuntirya ng medalya para sa boxing.

Nakatakdang labanan ni Ladon, nakakuha ng bye sa first round, si Herney Martinez ng Colombia sa second round of elimination sa Lunes.

Kahapon ay napatalsik na rin sa 31st Summer Games si Olympic debutant at table tennis standout Ian Lariba matapos yumukod kay Han Xing ng Congo, 11-7, 13-11, 11-9, 11-7. Ang 21-anyos na si Lariba ang kauna-unahang Pinoy table netter na nakapasok sa Olympics mula ipakilala ang table tennis sa 1988 Games sa Seoul, South Korea.

Maging si swimmer Jessie Khing Lacuna ay bigong magpatuloy sa torneo kasunod ang itinalang sixth-place finish sa 400-m freestyle sa ikalawa ng seven-heat competition na may oras na 4:01.70, limang segundong mas mabagal kumpara sa kanyang personal best na 3:55.34  upang tumapos na nasa huling limang pwesto sa lahat ng 50 kalahok sa event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending