‘Bato’ napuno na; binigyan si Kerwin Espinosa hanggang mamayang gabi para sumuko | Bandera

‘Bato’ napuno na; binigyan si Kerwin Espinosa hanggang mamayang gabi para sumuko

- August 05, 2016 - 03:38 PM

kerwin-espinosa-620x349

NAPUNO na si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” De la Rosa, dahilan para bigyan si Kerwin Espinosa ng hanggang mamayang gabi para sumuko.

Sinabi ni De la Rosa na paaalisin niya ang tatay ni Kerwin na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at kanyang kamilya
mula sa “White House,” sakaling mabigo itong magpakita.

“Hanggang ngayon gabi. Kung walang mangyari then tomorrow morning I will tell them to vacate and ship themselves out,” sabi ni De la Rosa.

Nakatira si Espinosa sa White House dahil sa isyu ng seguridad, kabilang na ang kanyang ka-live in at anak na babae.

Idinagdag ni De la Rosa na nanghihingi siya ng ulat sa pamilya ni Kerwin, bagamat hindi pa ito tumatawag.

Noong Huwebes, sinabi ni De la Rosa na nagpadala na ng surrender feelers si Kerwin matapos na lumipad papuntang Kuala Lumpur, Malaysia noong Hunyo.

Idinagdag ni De la Rosa na hindi na niya matagalan ang usok ng sigarilyo ng pamilya Espinosa na kanyang inilarawan bilang chainsmokers.

“Kawawa ‘yung kwarto na tinutulugan ng anak ko. Grabe manigarilyo sila ‘yung father, asawa at saka ‘yung anak parehong mga smoker. Ang baho na. Pagdating nu’ng anak ko galing Davao, kapag matulog sa kwarto na ‘yun, mag-reklamo ‘yung anak ko,” sabi ni Dela Rosa.

Nanganganib ang buhay ng pamilya  Espinosa, ayon kay De la Rosa.

“I can kill them anytime if I want to,” sabi pa ni De la Rosa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending