‘MMK Life Songs’ album regalo ni Charo Santos sa madlang pipol | Bandera

‘MMK Life Songs’ album regalo ni Charo Santos sa madlang pipol

Ervin Santiago - August 05, 2016 - 12:40 AM

charo santos

MATAPOS magbahagi ng mga totoong kwento ng buhay sa nakalipas na 25 taon, isang commemorative album naman ang handog ng Maalaala Mo Kaya upang magbigay inspirasyon sa mga Pilipino at ipagdiwang ang silver anniversary ng longest-running drama anthology sa Asya.

Laman ng “MMK Life Songs” ang iba’t ibang kantang ginugunita ang mga hindi malilimutang sandali ng buhay na inawit ng mga kilalang OPM icons. Talaga namang espesyal ang buong album dahil personal na pinili ng MMK host na si Charo Santos ang bawat kanta at artist na kabilang dito.

“Magaganda ang mga awitin dito, at sana ay makapaghatid ito ng inspirasyon sa ating mga Kapamilya. Magandang kasama ang album kahit saan at kahit ano ang ginagawa mo. It makes one reflective.  Nakakapagdala rin ng kilig ang mga ibang awitin, at naaalala mo ang mga mahal mo sa buhay,” ani Ms. Charo. Kalakip din ng mga awitin ang “reflections” na mismong isinalaysay ni mismong si Charo ang nagsalaysay.

Kabilang sa album ang carrier single na “Desiderata,” isang orihinal na tula ni Max Ehrmann na isinalin sa Filipino ni Enrico Santos. Tampok din sa nasabing single ang TBUP Choir at ang pinakamalaking collaboration ngayong taon nina Lea Salonga, Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla at Sharon Cuneta.

Simula nang ilunsad noong Hulyo ang music video ng “Desiderata,” nakatanggap na ito ng papuri mula sa audience at libo-libong views online. Kasama rin sa “MMK Life Songs” ang “Sana” na inawit ng apo ni Charo na si Julia Concio at ni Piolo Pascual, “Handog” nina Aiza Seguerra at Noel Cabangon, at “Iingatan Ka” ng mag-inang Janella Salvador at Jenine Desiderio.

Tampok din sa album sina Charice at Jed Madela, Darren Espanto, Jona, Juris, Kyla at KZ. Kabilang sa track list ang “Because You Loved Me,” “I’ll Be There For You,” “You,” She’s Always a Woman,” “Gaya ng Dati,” “Piece by Piece,” at “I’ll Be There.”

Ang “MMK Life Songs” ay ipinrodus ni Jonathan Manalo. Mabibili na ito sa record bars nationwide. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending