Adobo agaw-eksena sa ending ng ‘Kusina’ ni Juday; pang-best actress
MAPANGAHAS ang bagong indie movie ni Judy Ann Santos na “Kusina”, isa sa official entry sa Cinemalaya 2016.
Marami itong binaling kumbensyunal na pamamaraan sa paggawa ng pelikula kaya’t kung ang hahanapin ninyo ay ang usual Juday movie, hindi ninyo ito dito mapapanood.
Napaka-teatrikal ng “approach” ng direktor sa materyal na kakaiba sana ang tema dahil nga sa title nitong “Kusina”. Halos sa kusina kinunan ang kabuuan ng pelikula.
Habang kitang-kita ang pag-develop ng mga karakter at kuwento ng pelikula, naiwan lang sa kusina ang karakter ni Juanita (Juday) pati na ang ibang elemento at sangkap ng pelikula gaya ng sinematograpiya, production design at iba pa.
But this is among Juday’s best performances to date. Naiintindihan ni Juday ang kanyang role at atake sa movie na “mapangahas” nga ang teknik pagdating sa narrative at execution. Gustong-gusto namin siya sa mga eksenang sa pagluluto ng mga putahe niya ini-express ang kanyang mga saloobin.
Kuwela din yung mga eksenang naghihiwa siya ng mga sangkap sa pagluluto, pero nagpupuyos na siya sa inis at hinagpis. Sa mga manonood sa Cinemalaya 2016, ito yung klase ng obra na mapapaisip ka at mag-aanalisa.
Bongga rin ang support nina Joem Bascon (type na type namin si Juday kapag tinatawag niya itong Peles) at Luis Alandy (as Alejandro, na nagkaroon ng affair kay Juanita), pati na si Gloria Sevilla na lola ng bidang karakter.
Nagustuhan din namin ang ending ng movie. Mula sa pagpapakitang “lumobo” si Juday kung saan nagmistula itong dalaga in white long dress habang masaya nitong inihahanda ang inilutong “adobo” meal na napakalaki ng partisipasyon sa movie. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.