Simbahan nangakong susubaybayan ang pangangko ni Duterte na tatapusin ang ‘endo’
NANGAKO ang isang obispo na susubaybayan ng Simbahan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin ang kontraktuwalsasyon sa bansa.
Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on the Laity, na imomonitor ng Simbahan kung paano tutuparin ni Duterte ang kanyang pangakong wawakasan na ang ’endo,” partikular ang mga malalaking mall na nagpapatupad ng limang buwang kontrata para sa mga manggagawa.
“Tignan natin, naghahanap tayo ng pruweba kung gaano siya kaseryoso. Kaya maganda yung hangarin, maganda yung pahayag pero titignan natin paano niya gagawin. Kaya mag-aantay pa tayo sa ngayon wala pang mga guidelines paano ba gagawin ito kung magpapasara siya ng mga company. Tignan natin sinong mga kumpanya ang ipapasara niya,” sabi ni Pabillo.
Nauna nang nagbanta si Duterte sa mga kompanya na itutuloy niya ang pangakong tatapusin ang endo, kasabay ng babala na ipapasara ang mga kompanya na sangkot sa kontraktuwalisasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.