Derrick handa nang sumabak sa hubaran; bagay sa remake ng 'Scorpio Nights' | Bandera

Derrick handa nang sumabak sa hubaran; bagay sa remake ng ‘Scorpio Nights’

Ervin Santiago - August 03, 2016 - 12:30 AM

mother lily at derrick monasterio

INAMIN ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio na may natatanggap din siyang mga indecent proposal mula sa mga mayayamang bading.

Ayon sa binata, simula raw nang magpakita siya ng katawan sa kanyang mga teleserye at pictorial ay dumami na raw ang nagkakainteres sa kanya. Isa na nga riyan ang isang rich gay businessman na talagang handang ibigay ang lahat para sa kanya.

Nakachika ng ilang miyembro ng entertainment media si Derrick kahapon sa contract signing niya bilang bagong Regal baby at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa beking tila baliw na baliw sa kanya.

“Nagte-text sa akin yung isang kakilala niya (mayamang bading), hindi talaga siya yung nakikipag-usap sa akin. Sabi, bibigyan daw niya ako ng condo (sa BGC Taguig), e ang alam ko yung isang unit doon mga P8 million na,” ani Derrick na talaga namang napakagwapo at hunk na hunk na ngayon.

At dahil hindi nga siya sumasagot sa mga text at tawag nu’ng taong nakikipag-usap sa kanya nagmamakaawa na raw ito sa kanya, “Talagang, ‘Please, please, sumagot ka naman. Parang awa mo na!’ Ganu’n na yung text niya. Wala, hindi talaga ako nag-reply.”

Kilala raw ni Derrick yung nagte-text sa kanya na na-meet niya sa nakaraan niyang concert. Nagbu-booking daw ito ng mga show kaya ibinigay niya ang number niya. Iba naman daw pala ang pakay nito.

Samantala, labis ang pasasalamat ng Kapuso hunk actor kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde Teo dahil isa siya sa mga masuswerteng napili para maging bahagi ng bagong batch ng Regal babies ngayong taon.

“Nice birthday gift sa akin talaga ito. Super thank you dahil this is the biggest blessing na natanggap ko this year. Excited na ako sa mga gagawin kong projects sa Regal Films sana very soon ay makapagsimula na kami for my first movie,” ani Derrick na nag-birthday nga last Monday, Aug. 1.

At bilang birthday gift ni Mother sa binata, “We will give him a solo launching movie.” Makakasama raw ni Derrick dito ang isang sexy actress. Hinihintay na lang daw ang approval ng kampo ng aktres at sisimulan na ang shooting ng pelikula.

Siyempre, medyo sexy at naughty daw ang magiging launching film ng aktor dahil nga sa hunky and yummy image niya ngayon. Sa ngayon, among the several Kapuso stars ay si Derrick lang ang pwedeng isabak sa sexy roles.

May nag-suggest nga na pasado ang karakter at husay ng aktor sa pag-arte kung iri-remake ang “Scorpio Nights” na pinagbidahan noon nina Daniel Fernando at Albert Martinez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang problema kay Derrick kung ganoon ka-daring agad ang magiging launching movie niya, “Ako handang-handa na ako sa ganyan. Tsaka okay lang kung sino ang gustong itambal sa akin nina Mother at Ms. Roselle. I’m not choosy naman. Kung sino ang ipartner nila sa akin approve na yun.”

Bukod sa akting, isa na ring certified singer si Derrick, recently ay ni-release na ng GMA Records ang kanyang self-titled album na available na sa mga record bars at sa online music stores.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending