SARAH Geronimo’s love life has been an open secret to the public.
She’s gone through two failed relationships, right?
Since she’s somewhat reeling from her aborted romance, it was a necessity of sort to ask her what would it take to fall in love again.
This is inevitable, it seems, as she’s promoting her latest movie with John Lloyd Cruz, ang “It Takes A Man and A Woman”.
Sarah was grasping for words, “Hindi ko naman ho masasabi ‘yan.
Sabi nga ni Lloydie…ano ‘tong sabi mo? Hindi mo madi-dictate ang puso kung sino ang dapat mong mahalin,” she said.
When asked kung happy siya, positive naman ang answer ng Pop Princess, “Sobra, sobra po.
Siyempre pressured po dahil ito ‘yung part three namin at matagal din po itong inabangan ng tao. Medyo pressured pero sobrang happy po.”She didn’t quite get it as the reporter who asked the question was probing on the state of her heart.
As Laida Magtalas, her character in the movie, ay nakita ni Sarah na meron silang pagkakaiba at pagkakapareho.
She was also asked to explain kung siya ba’y bolder and fiercer nowadays.
“‘Yun nga po lahat katulad ng sinabi ni direk nakatulong ‘yung nagkaroon ng interval, nag-grow kami apart kaya hindi rin masyadong naging mahirap noong pino-portray na namin ‘yung characters namin although me mga times na nahirapan din ako kasi nalilito si Sarah between Sarah and Laida kasi halos magkapareho po talaga kami, mas marami nga lang pinagdaanan si Sarah.
“Ayun nga kaya hindi rin ako nahirapan nang maging braver ‘wag lang sosobra.
Nandiyan ang director ko, (sabi niya) ‘wag daw akong laging galit.
‘Yung maturity niya, ‘yung perception niya sa pag-ibig ang dami kong natutunan dito sa pagpo-portray ko bilang Laida,” chika niya.
When the reporter insisted if she’s really bolder, braver and fiercer in real life, sabi ni Sarah ay hindi pa masyado, “It’s a process naman.
Work in progress ako.
Masasabi ko po na ang importante na mag-uumpisa sa akin ang maturity ko.
Malaki ang naitulong sa akin nitong pelikulang ito and itong mga co-actors ko, ‘yung mga nakatrabaho ko dito sa maturity ko.
Kahit na maikling panahon lang ‘yung pinagsamahan naming ay marami akong natutunan sa kanila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.