MOVIE REVIEW: Katauhan ni Gerald Anderson sa ‘How To Be Yours’ nila ni Bea Alonzo, mamahalin ng mga kababaihan
CAREER ba o lovelife? ‘Yan ang tema ng bagong pelikula nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na kung saan bibilib ang mga kababaihan sa katauhan dito ni Gerald na handang isakripisyo ang career para sa kanyang minamahal.
Pinatunayan dito ni Gerald na mula sa pagiging ordinaryong tinitilian na kapareha sa loveteam, nagmature na siya sa larangan ng pag-arte.
Sa kaso naman ni Bea, alam naman ng lahat na kahit kanino siya ipareha ay lumalabas lagi ang galing niya sa pag-arte.
Kwento ito nina Anj at Nino na nag-umpisa ang lovelife matapos magkita sa Binondo ng kapwa dumalo sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Napaka epektibo ng pag-arte ni Gerald na kung saan mamahalin ang katauhan niya rito at kakainisan mo naman si Anj dahil sa kanyang ginagawa.
Inspirasyon ang pelikula para sa mga gustong ma-in love at siyempre para sa mga nagmamahal.
Kapag pinanood mo ang pelikula, iisipin mong may lalaki pa palang magsasakripisyo para sa pag-ibig.
Tama lamang ang timpla ng pelikula, hindi mabigat para sa mga nanonood.
Akmang-akma sina Bea at Gerald para sa mga character nila.
Siyempre, kabog din ang ibang batang loveteam sa Bea-Gerald movie.
Mag-iintriga na rin tayo kung sino sa pelikula nina Bea-Gerald at ang pelikula ng AlDub ang mas kikita sa box office.
Knowing Bea, hindi kasi matatawaran na lahat ng pelikula niya ay talagang patok sa box office.
Hindi ko na idedetalye pa istorya ng pelikula para panoorin nyo.
Pero tiyak kong mag-a-agree kayo na dahil parehong magaling ang pag-arte nina Bea at Gerald, kakampihan nyo ang isa sa katauhan na ginampanan nila depende kung ano ang pipiliin nyo lovelife o career.
Panoorin na para malaman kung agree kayo sa sinasabi ko.
Sa iskor na 1 hanggang 10, 10 ang pinakamataas bibigyan ko ito ng 9
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.