SA kabila ng pagiging no-show sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, dumalo kahapon si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa National Security Council (NSC) kung saan muli silang nagkaharap ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Bukod kina Aquino at Arroyo, dumalo rin sina dating pangulong Fidel Ramos at dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.
Ipinatawag ni Duterte ang NSC matapos na rin ang rekomendasyon ni Ramos, na itinatalaga naman bilang Chinese envoy.
Tinalakay sa NSC ang isyu kaugnay ng West Philippine Sea.
Nauna nang pinaboran ng United Nations (UN) Permanent Tribunal ang petisyong inihain ng Pilipinas laban sa China sa harap naman ng patuloy na pag-angkin ng huli sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.