Billy, Kean bakang-bakla sa ‘That Thing Called Tanga Na’, wagi ang hugot lines

By Jobert Sucaldito July 27,2016
share this

Billy, Kean bakang-bakla sa ‘That Thing Called Tanga Na’, wagi ang hugot lines

By Jobert Sucaldito July 27,2016
share this

kean cipriano at billy crawford

TUWANG-TUWA kami sa presscon ng pelikulang “That Thing Called Tanga Na” ng Regal Entertainment dahil nag-iisang babae lang yata si Angeline Quinto at puro mga lalaki who are portraying gay roles ang nakapalibot sa kaniya.

Kuwelang-kuwela ang trailer ng movie na ito directed by our dear friend Joel Lamangan na sumali sa question and answer portion. Nandoon sina Mart Escudero, Kean Cipriano, Eric Quizon at dalawang guwapong baguhan who played yata as lovers ng mga badingding sa film.

Sayang nga lang at wala si Billy Crawford that night dahil naospital yata siya dahil sa pneumonia. This film is opening nationwide on Aug. 10. “That Thing Called Tanga Na” revolves around the lives of five friends – four gays and a lady – each of whom has a story to tell about the sacrifices they did in finding true love.

Eric (Ronnie Chiu) is a rich lawyer and Pinoy movie fan. He freaks out when he discovers that his young boytoy is having an affair with a gay talent manager younger than he is. Si Billy naman ay isang closet gay na isang security guard. His live-in partner suffers a medical condition that drives him to take care of him like a “dutiful wife”. Pero sa kabila nito hindi pa rin siya gusto ng nanay ng dyowa niya.

Kean as C.C. plays the character of an online clothing company owner. He and his boyfriend have been on for five years. Plano niyang magpakasal sa Central Park, New York City. Ang hindi niya alam, engaged na ang boyfriend niya sa isang Korean and he has been tapped to design and execute the bride’s wedding gown.

Isa namang transgender si Mart bilang si Georgette/George. He financially supports his boyfriend pati ang family nito. George and his boyfriend form a union sans the church’s blessing and Georgette is able to fulfill his dream through the help of his boyfriend’s wife.

Angeline naman is Shirley, a trying hard singer/events specialist. Kasal siya sa isang iresponsableng lalaki. Pero ang lalo niyang ikinabaliw ay nang matuklasan niya na ang isa sa mga kaibigang bakla ay naka-one night stand ng asawa niya.

Riot ang movie na ito. Believe me. Sa trailer pa lang matatawa ka na kaya makikipila kami talaga sa opening day nito. Feel good movie kasi at baklang-bakla ang mga hugot lines. Kaloka!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending