Mula raw nang sumikat at magpakasosyal
Someone whispered to me that this is a dead year for Pokwang.
Meaning, hinuhulaan ng maraming hindi aalagwa ang pangalan ni Pokwang sa showbiz industry.
“Mag-concentrate na lang muna kaya siya sa lovelife.
Di ba meron daw siyang manliligaw na banyaga, isang foreigner?
Para maging busy siya, i-entertain muna niya ‘yun dahil magiging matamlay ang karera niya this year.
Hindi naman siguro iindahin ni Pokwang ito financially dahil in fairness naman sa kanya, nakaipon naman siya nang todo.
“Kasi naman, nauna ang kayabangan bago ang talento.
Masyadong nagmadali kasing umakyat sa tuktok nang tagumpay pero hindi naman fit. Akala niya siguro siya na ang papalit kay Ai Ai delas Alas, hindi pala.
Korni kasi siya eh, hindi siya nakakatawa.
Puro ‘bonggang-bongga’ na lang ang naririnig mo sa mga bibig niya.
Napaka-bland ng jokes niya.
Pang round table lang, hindi talaga pang-show.
“Mas okay pa siya dati nu’ng mukha siyang tsimiaa, pero nang mag-feeling rich and pasosyal na, nagmukha siyang trying hard.
Plus the rumors na hindi raw ito marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan, kung totoo ‘yan, mas lalo siyang walang mararating.
Mark my word,” anang isang nakausap ko.
Kungsabagay, naramdaman din namin ito lately kay Pokwang.
Nagbago nga siya.
Akala pa naman namin ay hindi siya matutulad sa iba – kabaro rin pala niya sila.
Ni hindi na nga ito masyadong namamansin. Ha-hahaha!
Nakalimutan yata niyang silang mga artists ay come and go lang sa industriyang ito pero kaming mga taga-media ay puwedeng mag-stay for as long as we want, di va?
Hindi pala dapat si Toni Gonzaga ang gumanap sa pelikulang “My Amnesia Girl”, si Pokwang daw pala dapat.
Really? Tumpak lagapak!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.