Kean ayaw masalita tungkol sa asawa’t anak
Tawang-tawa kami sa trailer ng gay comedy film na “That Thing Called Tanga Na”, ang latest offering ng Regal Entertainment showing on Aug. 10.
Bibida rito sina Kean Cipriano, Eric Quizon, Martin Escudero, Billy Crawford at Angeline Quinto. Bading ang role rito ni Kean kaya natanong siya kung sino ang peg niya sa kanyang karakter?
“Wala ako anyone in particular na naging peg kasi nu’ng unang shooting days namin, tinitimpla pa po namin ni Direk Joel (Lamangan) kung anong klase bang gay character yung ipo-portray ko. Kung siya ba yung all out na o nakalantad na cross dressed, tipong finesse lang o sophisticated lang siya.
“Nag-end-up naman kami sa fashion designer na bilib na bilib sa sarili niya. Pormado lang siya pero wala akong naging peg in particular na certain person, walang ganu’n,” ani Kean.
Medyo nahirapan din ang mister ni Chynna Ortaleza sa kanyang gay role sa movie, “Ako, for some strange reason nung ginagawa namin ito, sa simula naman talaga nung project, kumbaga nag-usap naman kami ni Direk Joel kung anong klaseng gay ba si C.C. (karakter niya sa kuwento), kung ano ba yung flow niya, pero nu’ng sinabi sa akin ni Direk Joel na ganito siyang gay sabi ko, sige, gawin natin.
“Pero dahil nga I’m coming from the music industry, sa rock and roll side of the world, di ba, iba rin siyang preparation. Like, may prayers na kasama, nagpi-people watching ako. Pero naniniwala kasi ako na every character I do meron certain piece yon of me, inilagay ko yon sa character ko,” aniya pa.
Dagdag pa ni Kean, talagang nag-enjoy daw siya sa pagiging bading, “Nu’ng ginagawa ko yung role na ito, sobra ko siyang nai-enjoy. Nagulat ako kasi ba’t nai-enjoy ko ‘tong role na ito. Nakakatuwa siya kasi bago siya sa akin. Challenging siya for me at saka ibang experience din na at one point in my life gay ako, di ba?”
Nang matanong ang singer-actor tungkol kay Chynna at sa kanilang baby, umiwas na naman si Kean, “We have our own thing, we have our own decisions, we have our own choices. Kumbaga, yeah we live in a public environment pero hindi kami mapi-pressure sa isang bagay na desisyon namin.
“What you see is what you get. We’re not hiding anything, it’s just that we’re very private and careful. Because we’re talking about family now. I mean, I’m sure you’ll protect your family as much as you can, di ba?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.