P245M hindi nakuha, jackpot lalagpas sa P250M | Bandera

P245M hindi nakuha, jackpot lalagpas sa P250M

Leifbilly Begas - July 24, 2016 - 04:43 PM
lotto for site Walang nanalo sa P245 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola kagabi.      Kaya inaasahang lalagpas na sa P250 million mark ang jackpot prize nito sa bola mamaya (Lunes).      Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 37-34-19-8-26-25 sa huling bola.      Nanalo naman ng tig-P75,210 ang 31 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.      Tig-P910 naman ang 2,042 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 42,566 mananaya na nakatatlong numero.      Samantala, lumapit naman sa P100 million mark ang jackpot prize ng Lotto 6/42 na kasunuran binola ng Grand Lotto.      Walang tumama sa winning number combination na 19-10-11-34-2-26. Umabot sa P80 million ang jackpot prize nito.       Nanalo ng tig-P20,690 ang 57 mananaya na nakalimang numero. Tig-P390 naman ang 2,412 mananaya na nakaapat na numero. Balik-taya naman ang 36,913 mananaya na nakatatlong numero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending