SINABI ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na napaiyak siya sa inihandang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.
“When I read the speech, ayoko pong mag—exaggerate, pero the first time I read the speech, it made me cry. Ganon po kaganda, ganon po makabag-damdamin ‘yung speech po ng Pangulo po natin, as my colleague from the RTVM here would agree,” sabi ni Andanar sa isang press conference sa Davao City.
Idinagdag ni Andanar mahigit 10 beses na binago ang talumpati ni Duterte.
“The address of the President, personally written by the President, will be a very powerful speech that will awaken the patriot in every Filipino,” ayon pa ka Andanar.
Aniya, aabot ng humigit kumulang na 38 minuto ang talumpati ni Duterte sa SONA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.